LEGAZPI CITY – Na-upgrade na mula red (infected) zone patungo sa pink (buffer) zone ang African Swine Fever (ASF) zoning status ng 9 na bayan at lungsod sa lalawigan ng Albay.
Sa datos ng National ASF Prevention and Control Program, kabilang dito ang Bacacay, Camalig, Daraga, Malilipot, Malinao, Oas, Pio Duran, Polangui at lungsod ng Tabaco na nangangahulugang nalutas na at wala nang aktibong kaso ng ASF sa lugar at nakapag-apply na sa zone upgrading.
Samantala, patuloy naman sa pagpaalala ang Albay Veterinary Office sa mga hog raisers na kapag nakitaan ng sintomas ang mga alagang baboy, agad itong ipagbigay alam sa City Veterinary Office upang madaling ma-control.