Pangulong Marcos, ia-anunsyo ang bagong DedEd Secretary ngayong linggo

Hindi na aantayin pa ni Pangulong Bongbong Marcos ang effectivity date ng resignation ni Vice President Sara Duterte bago ang pagtatalaga ng bagong myembro ng kanyang Gabinete.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Sa ambush interview sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Marcos na posibleng i-anunsyo na nya ngayong linggo ang susunod na DepEd Secretary.

Ayon sa Pangulo, hindi maaaring mabakante ng matagal ang posisyon, dahil mahalaga ang Kagawaran ng Edukasyon.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Kaugnay nito, ipinag-utos na ng Presidente ang pagsusumite ng mga pangalan na maaari nyang pagpilian na papalit kay VP Sara.