Pangulong Marcos – ‘di raw isusuko si dating pangulong Duterte sa ICC

Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na ‘di niya isusuko si dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Muling idiniin ni Marcos na walang hurisdiksyon ang ICC na nagi-imbestiga ngayon sa drug war ng nagdaang adminstrasyon.

Read More:  Palace rejects Sara Duterte’s claim that Marcos controls senate, courts and police

Sabi ng Pangulo – sakali mang mag-isyu na ng arrest warrant ang ICC ay hindi niya hahayaang isuko si Duterte.

Samantala, sinabi ni Marcos na ‘it’s complicated’ daw ang relasyon niya ngayon sa mga Duterte.

Read More:  House summons Zuckerberg over social media safety

Sa gitna ito ng isyu ng ‘gentleman’s agreement’ ni Duterte sa China.

Sa kabila niyan – ‘di pa rin daw nagbabago ang relasyon niya kay Vice President Sara Duterte.