Pangulong Marcos – aprubado na ang pag-institutionalize sa Philippine Open Government Partnetship

Ipai-institutionalize na ang Philippine Open Government Partnership (PH-OGP).

Inilabas ng Malacañang ang Executive Order No. 31 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Layunin nito ang gawin nang institutionalized ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa Open Government Partnership.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ang OGP ay isang international partnership program na kinabibilangan ng iba’t ibang national at local governments, pati na ng iba pang mga civil societe organizations.

Bilang bahagi ng founding members ng OGP – nag-endorse ang Pilipinas ng isang ‘high -level Open Government Declaration’ kung saan ay binuo ang National Action Plan.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Nakatulong ito para sa pagkakaroon ng innovations sa mga proseso sa Gobyerno, at pagpapatibay ng transparency at social accountability.