Pangulong Marcos, agad pinulong ang DOH hinggil sa Mpox

Ipinatawag kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Health upang alamin ang tungkol sa unang kaso ng monkeypox o mpox na naitala ngayong taon.

Ayon sa Presidential Communications Office, nilinaw ni DOH Secretary Ted Herbosa sa Pangulo na hindi epidemya ang mpox gaya ng COVID-19.

Read More:  Ex-Lawmaker Defensor: I’m ready to face possible charges

Ipinaliwanag din ng kalihim na hindi gaanong nakakahawa ang naturang sakit.

Sa katunayan mula noong nakaraang taon, nasa sampung kaso pa lang ng mpox ang kanilang naitala, at lahat ng mga tinamaan ay gumaling na.

Read More:  INC ends three-day protest, renews defense of Marcoleta

Samantala may inilatag ring plano ang DOH kay Pangulong Marcos kung papaano matulungan ang publiko na makaiwas sa mpox.

Una nang sinabi ng DOH na naipapasa ang mpox sa pamamagitan ng close at intimate contact.