Liderato ng Kamara, walang nilulutong impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte

Itinanggi ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na may nilulutong impeachment complaint ang Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.

Tugon ito ni Tulfo matapos ihayag ni VP Sara na may mga nag-uusap na House members hinggil sa impeachment na napag-alaman naman nito mula sa umano’y mga kaibigang hindi nagsasalita dahil sa takot.

Read More:  Suspected P10-M ecstasy shipment from Canada leads to American’s arrest

Sa pulong balitaan, iginiit ni Tulfo na mismong si Speaker Martin Romualdez na ang nagsabing walang plano ng impeachment laban sa pangalawang pangulo.

Wala rin itong nalalamang impormasyon kaugnay sa umano’y pagpapatalsik sa puwesto kay Duterte.

Read More:  Passenger thrown from jeep after alleged aggressive driving, LTO suspends driver’s license

Sa katunayan, wala naman aniyang nabanggit sa naging pulong ng House leadership gayundin ang political leaders sa Malacanang kamakalawa ng gabi na sumentro lamang sa paglalatag ng line-up para sa 2025 midterm elections.

Una nang iginiit ni VP Sara na inasahan na niya ang umano’y “playbook” ng mga nais na pabagsakin ang kanyang pamilya.