Pangulong Bongbong Marcos, ni-lift na ang ipinataw na price cap sa bigas

Inalis na ni Pangulong Bongbong Marcos ang umiiral na Executive Order 39 o price cap sa bigas.

Sa ambush interview sa Pangulo sa pamamahagi nito ng bigas sa Taguig kanina, sinabi nitong pareho nang inaalis ang price ceiling ng regular at well milled rice.

Read More:  Marcos vows to address nurse shortage, hospital vacancies

Muli namang iginiit ng Pangulo na walang problema sa supply ng bigas sa bansa.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Nabatid na iprinesenta kahapon ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry o DTI sa sectoral meeting kasama ang Pangulo, ang mga indicator factors na basehan para pwede nang alisin ang pagpapataw ng price cap sa bigas.