Inilarawan ng kasambahay na si Elvie Vergara sa senado ang pangmamaltrato sa kanya ng kanyang mga amo sa Occidental Mindoro kung saan humantong siya sa pagkabulag at pagkabungi.
Kung maalala, 2021 nang nakatakas si Vergara mula sa mga kamay ng kanyang amo at agad na humigi ng tulong sa malapit na barangay.
Ngunit nang nasundan ito, hinayaan ito ng Barangay Chairman na si Jimmy Patal na ibalik sa kanyang mga amo dahil napagkalaman itong taong grasa.
Agad naman itong kwinestyon ni Senador Raffy Tulfo.
Sa huli, inihahanda na ang subpeona para humarap sa susunod na pagdinig ang buong pamilya Ruiz at nakatakda naman ngayong araw ang pagdinig ng piskalya ng Batangas City sa mga reklamong inihain ng kasambahay.
