Pangakong P20.00 na kada kilo ng bigas malapit na ayon kay Pres. Marcos Jr sa launching ng KADIWA ng Pangulo sa Camarines Sur

NAGA CITY- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Launching ng KADIWA ng Pangulo sa Camarines Sur partikular nasa Palestina , Pili o sa Capital Town ng lalawigan.

Inisa-isa ng Pangulo ang mga exhibits ng produkto mula sa iba’t-ibang bayan tulad ng mga gulay, bigas, meat at proceed products.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Sa kaniyang mensahe binanggit na daragdagan pa ang KADIWA na patuloy na nagbibigay oportunidad sa mga magsasaka, sa ngayon mayroon nang 500 KADIWA stations.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Binigyan diin din na tuloy pa rin ang pagsisikap ng pamahalaan upang maabot ang pangarap at pangako niyang P20.00 na bawat kilo ng bigas. Ngayon aniya P25.00 itong mabibili sa KADIWA  at kaunti na lang malapit nang patupad.