Naniniwala si Senador Christopher Bong Go na dahil sa Build, Build, Build program unti-unti nang natutupad ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas komportableng buhay para sa Pilipino.
Ginawa ni Go ang pahayag sa kanyang pagdalo sa pagbubukas ng Central Luzon Link Expressway sa Tarlac City.
Paliwanag ni Go mararamdaman ng ating mga kababayan ang ginhawa na dala ng bagong imprastraktura.
Ang bagong bukas na highway ay sinasabing magpapabilis ng biyahe sa pagitan ng Cabanatuan City at Tarlac City mula 70 minuto ay magiging 20 minuto na lamang sa oras na ito ay maging fully operational.
Tiniyak naman ng senador na patuloy niyang pinag-aaralan ang lahat ng posibleng paraan na maaaring makapagpabilis sa daloy ng serbisyo at mga proyektong makakatulong sa kanyang mga kababayan.
