Pananatili sa kalinisan VS dengue & leptospirosis, muling pinaalala ng Naga City Health Office

NAGA CITY – Muling binigyan diin ng Naga City Health Office na panatilin ang kalinisan sa paligid bilang panglaban sa dengue at leptospirosis, lalo na ngayong ma-ulan.

Sa panayam ng BNFM Naga kay Maria Nelia Benito, Registered Nurse ng CHO, sinabing tuloy ang mga adbokasiya laban sa mga nabaggit na mga sakit at koordinasyon sa mga barangay lalo na sa mga madalas bahain o hot spot tulad sa Barangay Concepcion Pequeña, Calauag, Triangulo, Sabang at ilan pa.

Walang naibigay na datus sa dengue at leptospirosis ang opisyal ngunit noong Hunyo 17, 2023 pinakamataas ang Naga City na mayroong 28 cases ng dengue base sa record ng Department of Health Bicol. Sumunod ang Bula sa walong kaso, anim naman sa Nabua, Sipocot, Pili at Pamplona.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kinumpirma rin ng Department of Health (DOH) na tumataas na ang mga bilang ng mga kaso ng leptospirosis at dengue sa bansa bunga ng pagsisimula ng tag-ulan at mga pagbaha.

Nakapagtala ang DOH central office ng 182 bagong kaso o 42% pagtaas mula Hunyo 18-Hulyo 1, mula sa 128 na naitala sa nakalipas na dalawang linggo.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa record noong Hulyo 15, kabuuang 2,079 ang leptospirosis cases simula Enero 1, at 225 ang naitalang nasawi.

Sintomas ng leptos­pirosis ang lagnat, pa­nginginig, sakit ng ulo at kalamnan, pamumula ng mata, pagsusuka at paninilaw ng balat at mata.

Samantala, patuloy din ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa na nagtala ng 9,486 o 16% na mas mataas kumpara sa nakalipas na 2 linggo.

Nasa 80,318 ang dengue cases sa bansa nitong Hulyo 15 na inaasahang mas mataas pa sa pagpasok ng mga reports.