Pananampalataya at pagiging public servant ni Sen. Go mas lumalalim matapos ang Basilan chopper incident

Mas lumalim pa ang pananampalataya ni Senador Christopher Bong Go sa panginoon kasunod ng naging karanasan nito sakay ng helicopter noong nakaraang linggo.

Ayon kay Senador Go papunta siya sa Basilan para personal na tunghayan ang pagbubukas ng 135th Malasakit Center ng mangyari ang insidente kung saan muntikan nang mag-crash ang sinasakyang nitong helicopter.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Kwento ni Go biglang nagka-aberya ang chopper at naging mabilis ang pagbulusok nito pababa subalit sa kabutihang palad ay wala naman nangyari sa kanila.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sinabi ng senador na ikararangal niya na mamamatay habang nagsisilbi sa bayan at hindi siya natatakot na bawian ng buhay.

Dagdag pa ni Go na sa kabila ng pangyayari patuloy siyang magsisilbi at palilingkuran ang kanyang mga kababayan.