CAMARINES NORTE – Wala pa umanong anunsiyo o advisory ang pamunuan ng Social Security System (SSS) kung madaragdagan ang pensyon ng mga pensyonado sa 2024.
Kasabay naman yan ng anunsiyo na walang magiging pagtaas sa kontribusyon sa susunod na taon.
Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo maging sila ay naghihintay din kung mayroong magiging pagtaas sa tinatanggap na buwanag pensyon.
Aniya, pinag- aaralan kasi ang actuarial life ng pondo dahil hindi rin naman pwedeng isakripisyo ang kontribusyon ng mga miyembro para lang sa pesnyon.
Sa ngayon umano ay nasa 3. 1 milyon na ang pensyonado ng SSS.
Matatandaan na dalawang libong piso dapat ang dagdag sa pensiyon pero isang libo lang ang naibigay ng nagdaang administrasyon.
Kaya naman hanggang sa ngayon ay umaasa pa rin ang mga pensyonado na maibibigay ito sa kanila.
