Pamunuan ng Buenavista Elementary School hinikayat ang mga magulang na magpabakuna na

SORSOGON CITY – Hinikayat ni Buenavista Elementary School Principal 1 Norman Dimaano ang mga magulang ng kanilang mga estudyante na magpaturok na ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon dito, bukod kasi sa maaari nang i-enroll ng mga ito ang kanilang mga anak sa limited face to face classes kapag bakunado na,  proteksyon din ito dahil sakaling tamaan man ng nasabing sakit ay hindi na ito magiging severe.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, tiniyak naman ng guro na siya, kabilang na ang lahat ng kanilang mga personahe ay fully vaccinated na.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Matatandaan na sa implementasyon ng limited face to face classes sa nasabing paaralan ay requirement ang pagiging bakunado ng magulang upang ang kanyang anak ay payagang makabilang sa nasabing modality.