Pampasaherong bangka sa Rizal, tumaob; 26 katao, patay

Tumaob ang MBCA Princess Aya sa karagatan ng Binangonan, Rizal kahapon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, nag-panic ang mga pasahero nang hampasin ng malakas na hangin ang pampasaherong bangka.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Kaugnay rito, nataranta ang mga sakay , at tumungo sa kaliwang bahagi ng bangka na siyang naging dahilan ng pagtaob nito.

Sinabi ni Balilona na hindi pa matiyak ng PCG ang kabuoang bilang ng mga namatay sa aksidente dahil nakatanggap sila ng iba’t ibang bilang mula sa kanilang mga tauhan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Batay sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), 40 ang nakaligtas at 26 katao naman ang namatay sa aksidente.