Pamilya ng mga sakay sa missing air ambulance, positibo na hindi ang kanilang kaanak ang nakitang bangkay sa baybayin ng Narra

Positibo ang mga pamilya ng mga sakay ng missing air ambulance sa Balabac na hindi ang kanilang mahal sa buhay ang nakitang patay sa baybayin ng Barangay Bato-Bato Narra, Palawan.

Ayon kay Jasper Ivan Itturiaga na kaibigan ng missing pilot na si Daniel Lui, agad na tumungo ang pamilya sa nakitang bangkay at nakatitiyak umano ang mga ito na hindi iyon ang kanilang kaanak.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Kaugnay nito, walang balak ang mga pamilya na isailalim sa DNA test ang nakitang bangkay dahil sa paniniwalang hindi na makakarating ang katawan ng mga pinaghahanap sa bayan ng Narra.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Samantala, pansamantalang itinigil ang Search and Rescue Operation ng PAMAS at iba pang rescue team sa karagatan ng Balabac kung saan ang posibleng crash site ng medevac chopper (Yellow Bee).