Pamilya ng 2 napatay na rebelde sa engkwentro sa Daraga, humingi ng tulong sa pulisya

LEGAZPI CITY – Dumulog sa himpilan ng pulisya ng Daraga ang pamilya ng dalawang rebeldeng nasawi sa engkwentro noong Oktubre 3 sa Brgy. Bascaran upang humingi ng tulong tatlong araw ang nakalipas mula nang naganap ang insidente.

Sa kabila ng nangyari, hindi naman nagdalawang-isip si Daraga CPS Chief of Police PLt. Col. Edmundo Cerillo, Jr. na paunlakan ang kanilang pakiusap.

Bukod pa rito, hinandugan din sila ng opisyal ng tulong-pinansyal at muling nagpaabot ng pakikiramay.

Dahil dito, nagpasalamat ang mga naulilang pamilya at humingi rin ang mga ito ng paumanhin sa tangkang pamamaslang ng mga nasawing suspek sa apat na pulis ng Bascaran Police Assistance Center (BPAC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *