Pamilya Marcos magiging ‘simple’ lang daw ang mga aktibidad para sa Semana Santa

Kagaya ng nakaugalian – ngayong taon ay magre-retreat daw muli si Pangulong Bongbong Marcos bilang bahagi ng kaniyang pagninilay-nilay ngayong Semana Santa.

Ayon sa Pangulo, magiging simple lamang ang aktibidad ng kanilang pamilya. Matapos daw ang pagkakaroon niya ng retreat ay at saka naman sila magsasama-sama ng First Family para sa Linggo ng Pagkabuhay.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Kaugnay nito, muli namang tiniyak ng Pangulo na handa ang Gobyerno para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na magmumula ngayong weekend.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Aniya, nakapaghanda na raw ang lahat ng mga kinauukulang ahensya para sa Holy Week exodus nang sa gayon ay maiiwasan ang aberya sa biyahe ng mga Pilipino.