Pamamaril sa bayan ng Taytay, iniimbestigahan pa- PNP

Iniimbestigahan pa rin ang nangyaring pamamaril umano sa dalawang sakay ng motorsiklo sa Barangay Poblacion, Taytay, Palawan noong 6:50 ng gabi ng June 16, 2022

Ayon sa Palawan Provincial Police Office, sakay ng motorsiklo ang mga biktimang sina Alejandro Padon Macula, 31 anyos at Aiza Cristine Casañere Balila, 33 anyos ng Barangay Caneque, Taytay, Palawan nang sila’y barilin.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nakatakas sa lugar ang mga biktima hanggang makahingi sila ng saklolo sa the Dream Resort sa Sitio Langayan, Brgy. Poblacion, Taytay noong gabing iyon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Si Alejandro Macula ay tinamaan ng bala sa kaliwang braso habang walang tinamong sugat ang kasamang si Aiza.

Dinala ng  Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) ang sugatang biktima noong gabing iyon habang patuloy ang pag-iimbestiga ng Taytay PNP sa pamamaril.