Determinado ang Development Budget Coordination Committee o DBCC na maibalik ang price stability ng mga bilihin at serbisyo.
Ayon sa National Economic and Development Authority o NEDA, puspusan ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang maibalik sa average target range na 2.0-4.0 percent ang inflation rate ng bansa sa pagitan ng taong 2025 hanggang 2028.
Nilalayon ng DBCC na maabot ang target na ito sa pamamagitan ng aktibong pagpapatupad ng mga monetary policy measures at well-targeted government interventions na tutugon sa pangunahing dahilan ng inflation.
Kabilang dito ang implementasyon ng new Comprehensive Tariff Program for 2024-2028, at ang Food stamp program para sa vulnerable sectors.
Malaking tulong din umano ang ipinapaabot na tulong ng DSWD sa mga magsasaka at mangingisda na pinaka apektado ng El Nino.
Nabatid na bahagyang bumagal sa 3.7 percent and inflation rate sa buwan ng Hunyo, mula sa 3.9% noong buwan ng Mayo.