Pamahalaan, pinag-aaralan na ang ilang mga hakbang para matugunan ang epekto ng El Niño

Pinag-aaralan ng gobyerno ang mga rainwater technologies na makatutulong para mapagaan ang epekto ng El Niño sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos sa unang National Soil Health Summit kung saan binigyang-diin nito ang mga “grave” at “urgent” na problema nakakapinsala sa agriculture sector.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Ayon kay Marcos, ine-explore na nila ang Water Security for Climate Resilient Rainwater Technologies, maging ang Cloud Seeding Operations for Agriculture.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Lahat umano ng mga ito ay upang mapabuti ang kondisyon ng tubig sa mga prodcution areas, sa mga critical watersheds, at sa mga reservoir; at bahagi ng collective efforts para matugunan ang posibleng pagtama ng El Niño phenomenon.