PALECO, ipinaliwanag kung hanggang kailan mag-expire ang kanilang prangkisa

Ipinaliwanag ng Palawan Electric Cooperative na hindi totoo na mag-e-expired na sa taong 2024 ang kanilang prangkisa.

Ayon sa mensahe na ipinaabot sa Brigada News Fm ng isang opisyal ng kooperatiba, nabigyan ng franchise ang PALECO noong August 8, 1979 na magtatagal hanggang 50 taon at kung bibilangin ay mapapaso na ito sa taon pang 2029.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Dagdag pa nito, tatlong taon na ang nakararaan ay nagtalaga sila ng mga empleyado na mangasiwa sa renewal ng francise, sampung taon bago ito mag-expire.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kaugnay sa usaping ito ay nagpadala ng memo ang National Electrification Administration o NEA, at sinagot naman ng PALECO, na kung saan nilinaw na hindi pa mag-expire ang franchise sa 2024, subalit wala pa umanong tugon dito ang NEA.