Palawan 3rd District Cong. Edward S. Hagedorn, pumanaw na sa edad 76

Pumanaw na si Palawan 3rd District Congressman Edward Solon Hagedorn sa edad na pitumpu’t anim (76).

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng mahal sa buhay ng kongresista ngayong Martes, ika- 3 ng Oktubre 2023.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Hindi pa naglalabas ng detalye ang kaanak ng yumaong mambabatas sa sanhi ng pagkamatay ni Hagedorn.

Bago ito, noong buwan ng Pebrero ngayong taon ay kinumpirma sa publiko ng kongresista na mayroon siyang sakit na cancer.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, bumubuhos ngayon ang pakikiramay sa mga iniwan na mahal sa buhay ni dating Puerto Princesa City Mayor at Cong. Edward Solon Hagedorn.