Palawan 2nd District Congressman JCA, kinalampag na ang NAPOCOR re: Power Crisis

Kinalampag na ni Palawan 2nd District Congressman Jose Chavez Alvarez ang National Power Corporation (NAPOCOR) may kinalaman sa pinangangambahan power crisis sa lalawigan ng Palawan.

Nitong April 19 ay sumulat ang tanggapan ng kongresista kay NPC CEO Fernando Martin Roxas at sinabi nitong inaalala niya ang hindi pa naibibigay na Universal Charge for Missionary Electrification (UC-ME) para sa mga power providers sa Palawan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dumulog na umano ang DMCI sa kongresista tungkol sa naturang subsidiya na hindi pa rin naibibigay ng NAPOCOR.

Dahil sa patuloy na delay sa pagbabayad ng subsidy sa mga power provider partikular sa DMCI Power Corporation (DPC) ay mayroon na itong overdue collection na tinatayang PhP 1.1 Billion hanggang nitong  April 13, 2023.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Bagama’t nagsasagawa ang DMCI ng hakbang para makapagbayad sa kanilang fuel supplier, nagreresulta pa rin ng rotating blackout sa Palawan ang serbisyo ng DMCI bunsod ng pagkaantala sa pagbabayad ng subsidy mula sa NPC.

Sa liham, iginiit ng mambabatas na kung hindi mareresolba ang tungkol sa subsidy issue ay lalong magiging “alarming” ito lalo pa ang lalawigan ng Palawan ay tumataas ang Power demand ngayong summer season.