Palauig LGU plano ring maglagay ng birthing clinic sa itinatayong ospital

Pinaplano ng Lokal na Pamahalaan ng Palauig, Zambales na maglagay na rin ng birthing clinic sa itinatayong ospital sa bayan.

Ayon kay Mayor Billy Aceron, ito ay para hindi na rin mahirapan pa at lumayo ang mga manganganak.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Dagdag ng alkalde, posibleng sa buwan ng Disyembre ay matapos na ang konstruskyon ng pagamutan.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Mayroon itong dalawampung bed capacity na magiging malaking tulong sa mga nangangailangan ng atensyong medical.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO