OLOZAMBAT mamasada umano hanggat kaya pa ng kooperatiba

Mamamasada pa rin umano ang mga myembro ng Olongapo Zambales Bataan Transport Federation.

Ito ay hanggat kaya pa ng mga operators at drivers ang kasalukuyang sitwasyon kasabay ng sunod-sunod na taas presyo ng produktong petrolyo.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay OLOZAMBAT Chairman Rey Abrenilla, sila ang nagsasakripisyo para maserbisyuhan lamang ang mga commuters.

Hanggat kaya umano ng mga operators at kooperatiba ay tuloy pa rin ang kanilang pamamasada.

Sa kabila nito, aminado si Abrenilla na may ilan ng mga tsuper ang huminto na muna ng byahe at naghanap ng ibang trabaho.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Hindi pa rin kasi aniya sapat ang dagdag pisong pamasahe sa mga public utility jeepney sa Central Luzon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO