Palasyo, tiniyak na magpapatuloy ang ‘commitment’ sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino

Wi-nelcome ng Palasyo ang naging magandang resulta ng ‘Tugon sa Masa’ survey na isinagawa ng OCTA Research at ng Manila Bulletin ukol sa mga ginagawa ng administrasyong Marcos para magkaroon ng economic transformation.

Ayon kay Office of the Press Secretary Officer in charge Cheloy Garafil, patunay lamang ang naturang survey na ginagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng kanyang makakaya para tuluyan nang makabangon ang ekonomiya mula sa pagkakadapa dulot ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Batay kasi sa survey, 85 percent ng mga adult Filipinos ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa tungo sa pagbangon habang anim na porsyento lamang ang taliwas ang paniniwala.

Aminado si Garafil na hindi madali ang trabaho ni Marcos bilang Pangulo.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Subalit determinado aniya si Pangulong Marcos na gawing mas maayos ang pamumuhay ng bawat Pilipino.

Sa pamamagitan aniya ng iba’t-ibang programa na nakatuon sa pagbibigay ng maraming job opportunities, madaling pagnenegosyo at pagtiyak sa food security.
#