Bato, tiwalang lulusot ang 2-year mandatory ROTC; Kababaihan, required ding mag-training

Kumpiyansa si Senador Bato dela Rosa na maisasabatas na ng 19th Congress ang ipinapanukala nilang mandatory na Reserve Officers Training Corps o ROTC.

Matapos ang isinagawang pagdining ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, sinabi ni dela Rosa na kabilang din sa isasalang sa dalawang taong mandatory na ROTC training ay ang mga kababaihan.

Read More:  Three tropical cyclones boost Habagat rains in Luzon as PAGASA tracks Pilandok

Ayon sa Senador na siyang chairperson ng subcommittee on ‘Revitalized ROTC Act’, makatutulong ang military training para mapaghandaan ang iba’t ibang mga banta sa seguridad ng bansa.

Read More:  Various groups to hold ‘Baha sa Luneta 3.0’ protest on September 21

Idiniin pa niyang hindi lamang pang-giyera ang pangunahing layunin ng ROTC training, kundi gayondin sa paghahanda sa pag-responde sa mga kalamidad.
#