Palasyo: normal ang operasyon ng mga PUV sa NCR sa gitna ng transport strike

Normal umano ang naging operasyon ng mga public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila sa kabila ng presensya ng mga raliyesta sa ilang bahagi ng metropolis.

Ayon sa Malacañang, na batay sa Inter-Agency Task Force on Tigil Pasada, na ang mga ruta kung saan available ang inalok na libreng sakay ay nasa ilalim ng normal na operasyon.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa gitna nito, wala naman umanong naitalang nga insidente na nangangailangan ng emergency preparedness at asset deployment.

Mababatid na nagpapatuloy hanggang ngayong araw ang weeklong strike ng transport groups sa Metro Manila para iprotesta ang jeepney phaseout kaugnay sa PUV modernization program ng gobyerno.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Una nang sinabi ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang modernization program ay mahalaga pero ang implementasyon nito ay kailangan pa ng mas maraming discussions sa mga stakeholders, lalo na sa mga grupo ng mga jeepney drivers.