Palasyo, ipinapaubaya sa Kongreso kung gawing mandatory ang COVID inoculation

Ipinapaubaya ng Malacañang sa Kongreso ang pagdedesisyon kung gagawing mandatory ang COVID-19 vaccination sa Pilipinas.

Paliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, kailangan kasi ng batas para dito, upang magkaroon ng mandatory enforcement.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siyang gawing mandatory ang vaccination, lalo na’t may paparating na banta ng Omicron COVID variant.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ang pahayag ng pangulo ay sa gitna na maraming tao pa ang nagdadalawang isip na magpabakuna.

Sa kabila nito, umaasa ang Palasyo na hindi na mangyayari ang mandatory vaccination, matapos ilunsad na ng gobyerno ang three-day inoculation drive na tinaguriang “Bayanihan Bakunahan. //MHEL PACIA-TRINIDAD