Palarong Panglungsod 2024 sa Naga City, umarangkada na ngayong araw; seguridad ng mga manlalaro at kalinisan sa venue tiniyak

NAGA CITY – Umarangkada na ngayong araw ang Palarong Panglungsod 2024 sa Naga City, at ilang laro na din ang sinimulan sa iba’t-ibang sports venue sa lungsod, kung saan ang seguridad ng bawat manlalaro, kabilang na ang mga coach, facilitator, maging ang kalinisan sa mga area ay tiniyak.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Sa panayam kay Moises Cortez, Tournament Manager for Athletics, sinabing nagfinals  na ang ilan sa laro katulad ng 100 meter dash, 800 meter run, shot put, long jump sa Metro Naga Sports Complex, nagpapatuloy naman ang swimming, archery, badminton, tennis, at iba pang laro na nasa ibang venue tulad ng gymnastics sa Civic Center, Volleyball sa Naga College Foundation.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kung saan dagdag pa ng opisyal, sa mga laro muli nilang makikita ang mga galing ng mga kabataan na magdadala muli ng pagkapanalo o pagiging champion sa Palarong Bicol kagaya noong taong 2023.