LEGAZPI CITY – Inihayag ng Civil Service Commission (CSC) Bicol na nawala na ang Palakasan system sa Digital Registration sa pagkuha ng slot sa paper and pen test civil service examination.
Ayon kay Eric Albert Arroyo, Administrative Officer IV ng nasabing tanggapan, hindi magkakaroon ng palakasan system para makakuha ng slot sa nasabing examination dahil sa ang data server ay nasa Central Office ng CSC kung saan lahat nang files system na tumatakbo ay mula sa metro manila.
Aniya, maging sila ay limitado makaaccess dahil sa kinakailangan maglogbook upang makagamit ng website. Napakaimposible rin umano na magkaroon pa nang palakasan system sa ahensya dahil sa mayroon itong protection para sa anti tampering measures.
May mga nagbabalak rin na sabotahin ang kanilang websites para lang makapagonline registration sa examination, subalit hindi mapasok pasok ng mga ito dahil sa tiniyak ng IT Communication ng Central Office na hindi magagalaw ang anuman na server para sa civil service examination.