Pagtatayo ng TESDA training sites sa Bicol, isinusulong sa Kamara

Nais magkaroon ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) training centers sa Manito at Rapu-rapu sa Bicol.

Kaugnay nito ay inihain niya ang House Bill No. 8611 at 8612 na siyang magtatag ng naturang mga pasilidad na magbibigay ng mga programang in-demand sa merkado.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Layunin ng TESDA centers na makapag-produce ng skilled workers na makatutugon sa pangangailangan ng ilang mga industriya sa bansa; at tina-target nitong gawing investment hub ang probinsya ng Albay.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ayon kay Co, magdudulot ang TESDA training sites ng mas pinabuting job opportunities at economic growth sa kanilang rehiyon, upang hindi na lang basta umasa sa ayuda at tulong ng gobyerno ang mga residente.