Pagtaob ng bangka sa Rizal, nais ipasilip sa Kamara

Nais paimbestigahan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang nangyaring pagtaob ng MB Aya Express na kumitil sa buhay ng 27 indibidwal sa Binangonan, Rizal.

Sa inihaing House Resolution No. 1159, sisilipin ang naging performance ng Philippine Coast Guard nang maganap ang insidente.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Maliban dito ay kailangan dito ay kailangan din umanong masiyasat, ma-assess, at mapagbuti ang pagtugon ng PCG sa kanilang mandato na i-promote ang kaligtasan ng buhay ng mga tao at ari-arian sa ilalim ng Philippine Coast Guard Law at Presidential Decree Nos. 600, 601, 602, at 970.

Bukod sa PCG, nais ding inspeksynin ni Barzaga ang ilan pang mga tanggapan na nauugnay sa insidente gaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Department of Interior qand Local Government, lokal na pamahalaan ng Binangonan, Rizal, at iba pang mga ahensya na tutukoy kung may kakailanganin pa bang mga reporma para maiwasang magkaroon ng masamang epekto ang mga kalamidad sa mga Pilipino.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial