Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang bagong batas para sa pagtatayo ng senior high at elementary school sa Bacoor City Cavite.
Ang dalawang paaralan ay sasailalim sa supervision ng Department of Education.
Inatasan ni Pangulong Marcos si Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte na agad isama sa programa ng departamento ang operasyon ng dalawang bagong paaralan at balangkasin ang implementing rules and regulations sa loob ng 90 araw.
Magiging epektibo ang dalawang bagong batas matapos na mailathala sa Official Gazette o sa pahayagan na mayroong general circulation.