Pagtatayo ng Mental Health Facility sa Olongapo, di pa matutuloy sa susunod na taon

Bigo ang City Government ng Olongapo na maisama sa mga priority projects sa susunod na taon ang pagpapatayo ng Mental Health Facility.

Ito ay kahit pa ito ang inaasahang solusyon sa pagdami ng mga indibidwal na may mental disability na pakalat-kalat sa maraming parte ng lungsod.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, napakalaki ng budget na kailangan at di biro ang dami ng requirement na hininahanap ang Department of Health gaya ng disenyo ng gusali at mga ekspertong mamamahala sa pasilidad.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Sakali kasing matuloy, iniuutos ng batas na maging ang mga may mental health problem sa ibang mga lugar gaya ng Bataan at Zambales ay obligadong tanggapin sa pasilidad kahit di residente ng Olongapo.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO