Pagtatanggal ng fixed term AFP officials, suportado ng Senado – DND Sec Galvez

Nagpasalamat ang Department of National Defense sa liderato ng Senado na agad na aaksyunan ang isyu ng “fixed term” sa mga senior officials ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez na base sa pagtiyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na susuportahan nila ang rekomendasyon ng DND na alisin na ang terminong fixed term.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay Galvez, oras na maaprubahan, magiging flexible ang career management ng mga key officers ng Sandatahan.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Matatandaan na sinasabing naging ugat ng isyu ang usapin ng fixed term sa mga senior officers ng AFP dahil nawawalan umano ng pagkakataon ang ilan na aabutan ng kanilang mandatory retirement age bago pa man makuha ang inaasam na promotion
#