Pagtatalo ng mag-tiyo, nauwi sa pamamaril; suspek, arestado

Isinugod sa ospital ang 31-anyos na binata matapos ito barilin ng kanyang tiyuhin dahil sa hindi pagkakaunawaan sa Brgy Buenavista, Castilla, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si Antonio Nunez Campillios, habang ang suspek ay si Rodolfo Bujatin Campillios, 69-anyos, may asawa at parehong naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Lumabas sa imbestigasyon na ang biktima at suspek ay nag-uusap nang magkaroon ang mga ito ng mainit na pagtatalo na humantong sa paglabas ng suspek ng baril nito at pinaputukan ang biktima.

Nagresulta sa matinding pinsala sa buto sa kanang braso ang biktima na naisugod agad sa Castilla District Hospital.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa pahayag sa Brigada News ng Castilla PNP, hindi pa nila narerekober ang baril na ginamit dahil itinapon umano ito ng suspek sa dagat.

Dagdag pa ng Pulisya, ang baril na ginamit ay isang kalibre .22 snub nose revolver.