Pagtatalo ng dalawang grupo ng kalalakihan, humantong sa pananaksak; 1 Patay

Patay ang isang lalaki nang mauwi sa pananaksak ang pagtatalo ng dalawang grupo ng kalalakihan sa harap ng isang Resto Bar sa Barangay Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan bandang ala-una ng madaling araw kanina, Ika-15 ng Pebrero.

Read More:  4 killed, 17 injured after truck crashes into tree in Southern Leyte

Ang nasawi ay kinilala ng PNP na si Allan Burungan habang ang suspek sa pananaksak ay si Roberto Susing Nuevas alias Norbing.

Ayon sa PNP, pauwi na sana ang biktima kasama ang kanyang mga katrabaho matapos na mag-inuman sa Resto bar nang makasagutan nito ang grupo ng mga suspek at humantong sa pananaksak.

Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Samantala, mabilis na tumakas ang suspek na patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.