Pagtanggi ng ICC sa kahilingan ng bansa na suspindihin ang drug war probe, walang binding effect – Tolentino

Walang binding effect sa bansa ang pagtanggi ng International Criminal Court sa kahilingan ng gobyerno na suspindihin ang pagsisiyasat nito sa war on drugs ng nakaraang administrasyon

Ayon kay Senate committee on justice and human rights, Sen. Francis Tolentino, ang plea ng bansa sa harap ng ICC Appeals Chamber ay isang “courteous assertion” ng soberanya ng Pilipinas.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Noong nakaraang taon, inihayag ni Tolentino ang kanyang buong suporta sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na muling sasali ang Pilipinas sa ICC.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald dela Rosa ay nahaharap sa mga reklamong crimes against humanity kaugnay ng umano’y extrajudicial killings noong drug war.

Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police ni Duterte nang ilunsad ang brutal anti-drug campaign noong July 2016.//CA