Pagtanggal ng sagabal na sanga ng kahoy sa Brgy. Busay, isinagawa Daraga MEO

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Municipal Engineering Office (MEO) ng bayan ng Daraga ng pruning o ang pagtanggal ng mga sagabal na sanga ng kahoy sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Busay kahapon.

Isinagawa ng nabanggit na opisina ang aktibidad sa layuning maiwasan ang mga posibleng aksidente na may kinalaman sa mga behikulong dumaraan sa nasabing lugar.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Dagdag pa rito, isa rin umano itong paraan upang hindi matamaan ng mga sanga ang mga bahay o ng mga may-ari nito sa oras na magkaroon ng malalakas na hangin.

Samantala, isinagawa rin kamakailan ng kaparehong opisina ang de-clogging ng drainage line canal sa Regidor St., Brgy. Sagpon/Maroroy. Layunin nitong maiwasan ang pagbaha sa lugar.

Read More:  Three CTG members surrender in Caraga as Army unearths arms cache

Kaya naman, pinaalalahanan ang mga residente na itapon sa tamang basurahan nang sa gayon ay magkaroon ng malinis na kapaligiran at maiwasan din ang mga sakit na dulot nito.