2 senador kumpirmadong magiging mga panauhing pandangal sa Peñafrancia Regional Military Parade Competition

Naga City- Kumpirmadong dalawang senador ang darating sa lungsod ng Naga at silang magiging panauhing pandangal sa gaganaping Regional Military Parade Competition sa darating na Setyembre 15 kaugnay ng Peñafrancia Festival 2022.

Ayon kay City Councilor Gen. Ramon Omar Buenafe, sila Senador Mark Villar at dating PNP Chief / Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga bisitang darating sa pagbabalik ng Military Parade makalipas ang dalawang taon na nahadlangan  ng pandemya.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Noong Pre-pandemic ang Regional Military Parade ang ikinukunsiderang longest parade sa bansa; alas sais ng umaga nagsisimula at natatapos  naman ng halos pagabi na. Umaabot sa halos isang libong mga paaralan mula sa Bicol ang sumasali, pero dahil sa kulang na sa oras at upang makatipid ang bawat kalahok nabigyan sila ng pagkakataon na makapili kung participating o competing unit na lamang.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan