Pagtama ng bagyong “Maring” taong 2021, ginunita ng MDRRMO

Ginunita ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Narra ngayong araw ang isang taong anibersaryo ng pagtama ng Bagyong “Maring” sa Narra.

Ang naturang bagyo ang nag-iwan ng matinding pinsala sa agrikultura sa munisipyo at kumuha ng apat na buhay mula sa Barangay Princess Urduja at Batang-batang noong Oktubre 2021.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Ngayong araw, pinangunahan ni MDRRMO Raymund M. de la Rosa ang pag-alay ng bulaklak sa mga namatay at sa mga hindi nakitang buhay sa ilog ng Batang-batang River.

Read More:  Gunman arrested after shooting near school in Cebu City

Nagpaabot din ng pasasalamat ang MDRRMO sa lahat ng tumulong sa Disaster Response noong nakaraang taon.