Pagtagas ng ammonia planta ng yelo sa QC, walang naitalang nasaktan

Ligtas ang labintatlong empleyado ng isang planta ng yelo sa Brgy. San Antonio, Quezon City sa may kahabaan ng FPJ Avenue.

Ito ay matapos nilang makalabas agad mula sa pagtagas ng ammonia sa loob ng naturang planta.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon sa awtoridad, nangyari ang ammonia leak kaninang bandang alas onse ng umaga na agad namang nirespondehan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Gamit ang hazmat suit ay pinasok nila ang planta para maisara ang bulb, at ginamitan din naman nila ng cord ang mga gate upang maiwasan na makapasok ang iba rito.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa kasalukuyan, sinarado na ng awtoridad ang nasabing planta at maging ang katabi nitong establisyamento at pinag-aaralan na rin nila ang sanhi ng pagtagas nito.