Pagtaas sa presyo ng bigas – bahagyang bumagal

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbagal sa galaw ng rice inflation.

Batay sa datos, mula sa 24.4% ay bumagal ang galaw sa presyuhan ng bigas sa 23.9% noong Abril.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ito ay sa harap ng pagbilis ng headline inflation sa nasabing buwan.

Ayon kay National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa, ang pagbagal na ito ay bunsod ng pagbaba rin ng presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Mababatid na noong Abril ay nasa P56.42 kada-kilo ang presyo ng milled rice.

Mas mababa ito sa P56.44 kada-kilo noong Marso.