Gen. Marbil: walang ginagawang loyalty check sa organisasyon

Mariing iginiit ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil na walang loyalty check na isinasagawa sa organisasyon.

Si Marbil ay nagtungo sa National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kaninang umaga para sa command visit.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa kanyang pagbisita, sinabi ng opisyal na wala syang naging utos sa mga pulis sa halip ay nakipag-usap lang aniya sya at inalam kung ano ang ginagawa ng mga pulis para sa mamamayan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

At kung anong direksyon ang tinatahak ng PNP lalo na sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at seguridad ng bansa.