Pagtaas ng presyo ng noche buena products, hanggang bagong taon lamang – DTI Bicol

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol na ang kamakailang inilabas na price guide o price adjustment para sa mga produktong pang noche buena ay hindi naman habang buhay.

Sa panayam kay Ruben Sombon ng DTI Bicol, inihayag niya na hanggang bagong taon sa 2023 lamang susundin ang inilabas na price guide.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ito umano ang pakiusap ng ahensya na pagkatapos ng bagong taon ay hindi na tataas pa ang mga presyo nito na sinang-ayunan naman ng mga manufacturers.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang noche buena products umano ay hindi naman regulated ng DTI sapagkat hindi naman kasama ang mga ito sa mga basic commodities na regular n amino-monitor kung kaya hindi na ito lalagpas pa sa bagong taon.