Pagsusuri sa water samples na kinuha sa Bataan, Pampanga at Bulacan kaugnay ng oil spill – pinamamadali na ng DOH

Pinamamadali na ng Department of Health ang pagsusuri ng mga water samples na kinuha sa ilang lugar sa Central Luzon dahil sa oil spill kasunod ng paglubog ng barkong MT Terranova sa lalawigan ng bataan.

Ayon kay DOH Usec. Gloria Balboa, labinlimang water samples ang kinuha sa Bataan, Pampanga at Bulacan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Inaasahang 1 linggo ang itatagal ng pagsusuri ngunit pinamamadali ito sa 4 na araw.

Dapat aniyang matiyak na ligtas ang iniinom na tubig sa toxic chemical na vensin.

Patuloy na pinapayuhan ng DOH nag publiko lalo na sa mga apektadong lugar na tiyaking malinis ang iniinom na tubig.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Pinapaiwas din ang mga residente sa mga apektadong lugar upang maiwasan ang exposure sa nakakalasong kemikal.

Pinapayuhan din ng DOH ang lahat sumunod sa mga payo ng awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng mga komunidad.