Pagsusuot ng facemask, pinili pa rin ng mga dumalo sa mga aktibidad nitong Peñafrancia Festival

NAGA CITY- Optional na ang pagsuot ng facemask sa outdoor areas sa bisa ng Executive Order No. 3 ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang EO ay epektibo ilang araw bago ang mga aktibidad kaugnay ng Peñafrancia Festival, pero marami sa mga  tumungo sa Naga City ang pinili pa rin na magsuot ng facemask; mula sa Civic Parade, Scouts Parade,  Military Parade, Fluvial Procession at mga misa sa labas ng simbahan hindi na kasi nasusunod ang social distancing kaya may proteksyon pa rin.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa lingguhang ulat ng Department of Bealth Bicol sinabi ni  Dr. Lulu Ramos- Santiago, mas mainam paring nag pi-facemask dahil proteksyon din ito sa iba pang mag sakit.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Hindi naman sila tutol sa EO ng pangulo, binibigyan lamang ng diin ang kahalagaan ng facemask.