Karagdagang P10M pondo para sa Tupad Program inaprubahan para sa mga taga-unang distrito ng Camarines Norte kapalit ng paglilinis sa barangay

CAMARINES NORTE- Umaabot sa P10 milyong piso ang naaprubahan bilang karagdagang pondo sa tupad program ng DOLE para sa unang distrito ng Camarines Norte

Resulta ito ng isinagawang pagpupulong ni 1st District Congresswoman Josie Baning Tallado kay DOLE Region V Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ang 5 milyong piso ay mula sa DOLE Central Office at ang isa pang 5 milyong piso ay mula sa tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Ang karagdagang pondo ay ibibigay sa mga magiging benepisyaryo mula sa Unang distrito

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang TUPAD ay programa ng DOLE na naglalayong makatulong sa pagbawas ng kahirapan at sa pagtaguyod ng kaunlaran.

Ito ay isang community-based package of assistance na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga displaced, underemployed at self-employed workers